September 20, 2024

3 drug suspects timbog sa Navotas buy-bust

Tiklo ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa buy bust operation sa Wawa St., Brgy. Tangos South, Navotas city si Carl Lewis Urqueza, 21, Ernanie Santos, 43, (pusher/listed) at Reynaldo Cruz, 62. Nakumpiska sa kanila ang sampung plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 gramo ng hinihinalanng shabu na tinatayang nasa P108,800 ang halaga, buy bust money at P300 cash. (RIC ROLDAN)

Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang 62-anyos na lolo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong mga suspek na si Carl Lewis Urqueza, 21, Ernanie Santos, 43, (pusher/listed) at Reynaldo Cruz, 62, pawang residente ng lungsod.

Dakong 11:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa kahabaan ng Wawa St., Brgy. Tangos South.

Nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap nga buyer kay Urqueza at Santos ng P300 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Cruz na sinasabing umiskor din ng droga sa dalawa at nakumpiska sa mga suspek ang sampung plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P108,800 ang halaga, buy-bust money at P300 cash.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.