January 13, 2025

155 PATAY SA COVID-19 KADA ARAW (NCR, 7 rehiyon mahigpit na minomonitor ng DOH)


MINOMONITOR ngayon ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila at pito pang rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng namamtay sa COVID-19 sa first half ng Setyembre.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga sumunod na mga rehiyon ay mahigpit na binabantayan ng DOH:

  • Metro Manila
  • Central Luzon
  • Calabarzon
  • Central Visayas
  • Western Visayas
  • Cagayan Valley
  • Ilocos
  • Cordillera Administrative Region

“These regions posted the highest deaths for the two weeks of September. Their average daily deaths show increasing trend since August,” ayon kay Vergeire.

Ipinabatid din ni Vergeire na noong Buwan ng Agosto 2021 ay umabot sa 155 ang naitalang COVID-19 deaths bawat araw.

Base rin umano sa trend, ang mga itinuturing na high risk sa pagkamatay sa COVID ay mga matatanda at ang mga may comorbidity.

Mula naman Setyembre 1 hanggang 9 ay naitala ang average na 99 death per day.