January 23, 2025

15 TAON KULONG SA LALAKING UMATAKE SA PINAY SA NY

HINATULAN ng 15 taon na pagkakakulong ang isang lalaki na makailang beses inatake ang isang matandang Pinoy sa New York.

Naghain ng guilty plea si Brandon Elliott sa New York State Supreme Court sa first-degree assault of hate crime at third-degree criminal possession of a weapon.

Matatandaan na noong Marso 2021, naglalakad si si Vilma Kari papuntang simbahan nang bigla na lamang siyang atakihin ng 43-anyos na si Elliot.

Tinadyakan ni Elliot si Kari saba’y sabi na, “F— you, you don’t belong here.” Sa lakas ng pagsipa ay napatumba ang matandang Pinay at muling pinagtatadyakan habang nakasalampak sa sahig.

Inatake ni Brandon Elliot ang 65-anyos na babae dahil sa pagiging Filipina nito, ayon kay Manhattan District Attorney Alvin Bragg. “This attack has left lasting fear and anxiety for the victim and many in the AAPI community. I hope the closure of this case will allow the victim to continue healing,” dagdag ni Bragg.

Sa kabila ng sinapit, nagpakita ng katatagan si Kari sa courtroom. “Of course, our justice system calls for whatever prison sentence is allowed for that crime he committed,” saad niya.

Ang kanyang adbokasiya para sa pagpapakulong sa mga indibidwal na may mental health issues ay hindi natatapos sa courtroom. Nanawagan siya para sa mas matibay na batas upang tulungan ang mga indibidwal na nahaharap sa mental health problems.

Itong kaso ng matandang Pinay ay paalala lamang na ang Asian American and Pacific Islander (AAPI) communities ay patuloy na nahaharap sa anti-Asian hate. Sa katunayan ito ay tumaas. Lumalabas sa survey, “The State of Safety for Asian American and Pacific Islander Women in the US,” na 74 percent ng AAPI women ay personal nakakaranas ng diskriminasyon o racism.

Mensahe naman ni Kari sa iba pang biktima ng hate crimes, “Just wait, there’s justice. Don’t lose hope.”