MASAYANG inanunsiyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ang kauna-unahang landport sa bansa, na naabot nito ang isang kahanga-hangang milestone na 146 milyon na overall foot traffic magmula nang magsimulaang operasyon nito noong 2019.
Maituturing ito na malaking tagumpay ng PITX dahil patuloy ang kanilang pag-unlad, popular, hindi matatawarang commitment upang makapaghatid ng masayang karanasan sa kanilang mga pasahero.
“We are thrilled to have reached 146 million overall foot traffic since we started operations,” ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng PITX. “This achievement is a testament to the hard work and dedication of our entire team, as well as the support of our valued customers. We are excited to continue on this trajectory and are confident that we will surpass 150 million overall foot traffic this end of June.”
Iniugnay ng PITX ang kanilang tagumpay sa pinagsamang innovative offerings at strategic initiatives na idinisenyo upang pahusayin ang visitor experience.
Patuloy na nagsisikap ang naturang kompanya para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga costumer nito at tiniyak ang ‘di makakalimutang at masayang experience sa pagbisita ng mga ito sa PITX.
Alinsunod sa commitment nito na palawigin ang serbisyo at ibigay ang pangangailangan ng mga costumer nito, hindi na rin makapaghintay ang PITX na ianunsiyo ang ilulunsad na mga bagong ruta.
Simula sa Hunyo 13, magbubukas ang Solid North ng mga bagong ruta sa Dagupan at San Carlos, Pangasinan.
Bukod pa rito, may bago ring ruta ang Victory Liner simula sa Hunyo 14 sa Tuguegarao City Cagayan.
Ang mga bagong set ng ruta ay magbibigay ng convenient travel options sa mga pasahero. Pinahusay din nito ang connectivity at accessibility sa mga pangunahing destinasyon.
Bilang karagdagan sa transportation services nito, isa pang tagumpay ang nakamit ng PITX sa office towers operation nito. Dahil matatagpuan na rin ngayon ang headquarters ng DENR MIMAROPA at DENR EMB CALABARZON sa PITX, na tiyak na maghahatid ng pagdami ng business activity at paglago ng ekonomiya sa lugar.
Nanatiling nakatutok ang PITX sa pagpapaganda ng serbisyo nito at pagpapalawng kanilang maaabot. Ang mga paparating na mga proyekto at inisyatiba, kabilang na ang mga bagong ruta sa Dagpuan, San Carlos at Tuguegarao City, ay tiyak na makakaakit ng mas maraming visitors.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA