NAG-IWAN ng 13 patay nang mangyari ang isang engkwentro sa pagitan ng lokal na awtoridad at armadong grupo sa Maguindanao.
Ayon sa Maguindanao police, naganap ang shootout dakong alas-3:30 kaninang madaling araw nang tangkang aarestuhin na si Datu Pendatun Talusan, dating Kapitan ng Brgy. Limbo ng munisipalidad ng Sultan Kudarat.
Nasawi si Talusan at ang 11 sa kanyang tauhan habang namatay din ang isang pulis. Dinala naman sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City ang apat na nasugatan.
Inilabas ang warrant of arrest laban sa dating barangay captain dahil sa kasong robbery with homicide at illegal possession of firearms.
Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang baril, tulad ng limang M16 rifle, isang M14 rifle, at dalawang .45-caliber pistol mula sa mga suspek.
More Stories
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)