DINAKIP ng mga operatiba ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) ang 13 menor de edad sa Tondo dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod nag-uutos sa pagsusuot ng face masks sa Maynila.
Sa pangunguna ni Smokey Mountain PCP chief PCapt. Paul Benjamin Mandane, nasagip ng pulisya ang mga minor na may edad na 12 hanggang 17 na pagala-gala sa Smokey Mountain dakong alas-10 ng gabi kagabi.
Agad itinurn-over sa Manila Social Welfare Department para sa wastong disposisyon.
Kasong paglabag sa City Ordinance 8627 (Mandatory Wearing of Face Mask in All Public Places) ang ihahain laban sa mga magulang o guardian ng mga nasabing menor de edad sa Manila Prosecutors’ Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY