Target ng Clark International Airport na doblehin ang volume ng mga pasahero nito sa apat na milyon ngayong taon, na nakasalalay sa muling pagbubukas ng ekonomiya at paglulunsad ng 13 bagong ruta.
Ayon kay Arrey Perez, presidente at CEO ng Clark International Airport Corp. (CIAC), sa isang event sa Taguig noong Biyernes, optimistiko sila sa momentum travel na magpapalakas ng passenger movement sa gateway ng Pampanga.
“We continually open up the economy. We’re still transitioning from the pandemic and so we’re really happy with the performance of the Clark International Airport,” ani Perez.
“The aggressive plans for tourism in the country will be certain that we’ll attract more,” dagdag niya.
Sa taong ito, sinabi ng opisyal ng CIAC na ipinapakilala ng paliparan ang mga bagong local at international na ruta upang palawakin ang network nito. Kabilang dito ang Taipei, Bangkok, Hong Kong, Narita, Macau, Cheongju, Coron, Bacolod, Iloilo, Davao, General Santos, Cagayan de Oro at Puerto Princesa.
Ipinagpatuloy ng Royal Air Philippines ang operasyon nito sa Clark noong nakaraang taon, na nagbibigay ng pang-araw-araw na flight papuntang Hong Kong.
Inilunsad din ng Starlux Airlines ang ikatlong ruta nito sa Taipei mula sa Pilipinas sa Clark.
Sa kasalukuyan, ang paliparan ay nag-a-accommodate ng 23 airlines at nagseserbisyo sa 11 international at 10 domestic destinations. Ang passenger terminal building nito ay may taunang kapasidad na 8 milyon.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO