
Muli na namang nagningning si Pinoy karateka James De Los Santos. Ito’y nang maispa niya ang kanyang ika-12 gold medal ngayong 2021.
Kuminang ang 30-anyos na e-Kata sa Kamikaze Karate E-Tournament Neuhofen. Ito’y torneo ng Austria Kata and Kumite Ranked Event
Ginapi nito ang pambato ng Switzerland na si Matias Moreno sa finals, 25-24.5.
Bago nito, dinispatsa niya sa semifinals ang pambato ng USA. Bukod sa kanya, wagi din ang kanyang mga students sa Maharlika Karatedo Kai of the Philippines. Int. Philippines (MKKPI).
Tinalo ni Fatima A-Isha Hassaim si Elisa Dominijanni ng Italy, 24.7-23.8 sa e- Kata Individual U18.
Wagi rin ang Pinay e-kata kay Dommijanni sa finals ng Individual U16.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT