BATON ROUGE, La. (AP) — Isang 12-foot python ang hinahanap ng otoridad sa loob ng isang mall sa Louisiana. Ayon sa otoridad, nakatakas ang sawa sa kinalalagyan nito sa isang exhibit. At nangangamba sila na magdulot ito ng katatakutan sa mall.
Ang sawa ay si Cara na isang yellow at white Burmese python. Nakawala ito sa kanyang enclosure sa Blue Zoo sa Mall of Louisiana. Hindi pa rin siya mahanap hanggang ngayon ayon sa ulat.
HInahanap ng otoridad si Cara ng magdamag. Kung saan aktibo ang mga ahas sa gayung oras. Pero, bgo silang makita ito.
“While we’ve created a very secure home for Cara, our Burmese Python, she has slithered out of her exhibit,” saad Blue Zoo sa isang statement.
“Cara is a non-poisonous, friendly snake that enjoys her time interacting with guests during our Snake Education Shows.”
Karaniwan sa mga python ang nililingkis ang kanilang biktima at pinipiga hanggang mamatay. Pagkatapos ay lulunin ng buo. Pero, si Cara aniya ay maamo at very sweet ayon sa kanyang mga handlers.
Naglabas na rin sila ng photo ng sawa para maghanap na ito sa lalong madaling panahon. Isinara muna ang aquarium theme na Blue Zoo habang ikinakasa ang seach efforts. Kaya, naka-lockdown ang zoo at nananatiling bukas naman ang mall.
More Stories
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
560th Air Base Group’s Civil-Military Operations Transform Lives Across Cebu