
Pinaalalahanan ng Department of Justice ang mga bagong promote at appointed prosecutors na tiyaking maisusulong ang Zero-Backlog Policy o madidisisyunan at matatapos na ang lahat ng nakabimbing mga kaso sa departamento
Inilabas ang napaalala kasabay ng anunsyo ng promotion at appointment ng 122 prosecutors na itatalaga sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng National Prosecution Service sa buong bansa.
Ayon sa DOJ, ang promotion ng 68 prosecutors at appointment naman ng 54 ay napakahalaga sa panig ng NPS kaya kailangang magampanan nang wasto ang kanilang trabaho.
Tiwala ang DOJ na dahil sa mga bagong talaga at promoted na mga prosecutors ay mas mapapabilis ang pagpapalabas ng mga resolusyon sa mga kaso para maibalik ang tiwala ng publiko sa criminal justice system o pag-usad ng hustisya.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa