INIHAIN na ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang mga kasong kriminal laban sa 12 opisyal at kagawad ng San Jose Del Monte City Police Drug Enforcement Unit na nasa likod nang pagdukot at pagpatay sa anim na indibiduwal sa lungsod noong Pebrero 2020.
Kabilang sa ipinasasalang ng NBI sa preliminary investigation ng DOJ dahil sa kasong kidnapping and homicide ay sina Police Major Leo Commendador dela Rosa, hepe ng PNP-CSJDM Intelligence Section/City DEU; Police Staff Sergeant Benjie De Castro Enconado; Jayson Morales Legaspi; Irwin Joy Morfe Yuson.
Mga Police Corporal na sina Jay Marc Mabasa Leoncio; Harvy Cruz Alvino; Herbert Linoy Hernandez; Constante Ramos Escalante; Raymond Babida Bayan; Paul Jimenez Malgapo at mga patrolman na sina Erwin Oplimo Sabido at Rusco Virnar Madla.
Sa imbestigasyon ng NBI, noong February 13, 2020, dinukot ng mga pulis sina Edmar Asprin at Richard Salgado; Edwin Mergal at Jim Joshua Cordero; Chamberlain Domingo at Chadwin Santos sa Towerville, Barangay Sto Cristo sa nasabing lugar saka isinakay sa kulay puting van.
Noong Pebrero 14, 15 at 18 patay na nang matagpuan ang mga biktima sa tatlong lugar sa lungsod.
Ayon sa mga pulis, nanlaban ang mga biktima ngunit taliwas sa mga ebidensiyang nakalap ng NBI na nagpapatunay na pinatay ang mga biktima.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA