Aabot sa 174,000 halaga ng liquid marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of NAIA at NAIA InterAgency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road sa Pasay City mula USA.
Ayon sa BOC, dumating ang 20 boxes sa CMEC na magkakaiba ang declaration kung saan nakalagay dito ang 116 bottles na naglalaman ng liquid marijuana.
Nadiskubre ang mga naturang ilegal na droga nang dumaan ito sa x-ray machine at examination ng mga tauhan ng customs at PDEA na idineklarang dietary supplements.
Na ipinadala naman mula Fullfillment warehouse shippin 11551 E 45th Ave unit, C Denver Colorado, USA na naka-consignee sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga lalawigan.
Sa ngayon ay pormal nang nai-turn over ng Customs sa PDEA ang mga liquid marijuana para sa karagdagang imbestigasyon. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA