Nasa 115 Pinoy masterpieces ang iniuwi’t inilagay sa National Museum sa Maynila. Ito’y makalipas ang 47 taon na naka-display sa Philippine Center New York (PCNY).
Muling binuksan ng National Museum of the Philippines sa publiko. Ito’y upang ipakita ang homecoming exhibit ng 115 mula sa 120 napiling artworks sa Core Collection ng PCNY noong 1974.
Tampok dito ang 9 na Pilipinong artist na kinatawan sa koleksyon, kabilang ang mga national artist.
Ito’y ang mga obra ninaFederico Aguilar Alcuaz, Ang Kiukok, Benedicto Cabrera, Jose Joya, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, Jerry Elizalde Navarro, at Hernando Ocampo.
Tampok din sa koleksyon ang mga gawa ni Manuel Rodriguez Sr. na kilala rin bilang ‘Father of Philippine Printmaking. Kasama rin ang mga natitirang mga prints nina Romulo Olazo, Rodolfo Samonte, at Rod Paras-Perez.
Ang iba pang notable artist ay sina Mauro Malang Santos, Solomon Saprid, Juvenal Sansó, Manuel Baldemor, Augusto Albor, Cid Reyes at Raul Isidro.
Pati na rin ang obra ng dalawang Pinay artists na sina Norma Belleza at Lilian Hwang.
Ang proyekto ay naisulong sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas IDFA), Philippine Center Management Board – New York, at ng Opisina ni Deputy Speaker Loren Legarda.
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Jail’, Nasa YouTube na!
Ang Enero ay Pambansang Buwan ng Biblia
Manuel A. Roxas, Natatanging Lingkod Bayan