MARIING kinondena ng mga senador ang iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Sa inihaing senate resolution no. 708, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tahasang pagbalewala ng Tsina sa United Nations Convention on the Law of the Sea(UNCLOS) at 2016 award ng Permanent Court of Arbitration ang pananatili ng Chinese militia vessels sa WPS.
Ang hakbang ng 11 senador ay kasunod ng hakbangin ng DFA na ilang beses nang naghain ng diplomatic protest laban sa china.
Ayon pa kay Drilon, banta sa seguridad at kapayapaan sa rehiyon at buong mundo ang patuloy na pagsakop ng china sa ilang reefs sa loob ng exclusive economic zone ng pilipinas.
“What China is doing is contrary to the arbitration award and does not promote stability in the region. China should not be allowed to rewrite or nullify the UNCLOS, which was painstakingly negotiated and ratified by various States, such as blatant disregard of established international law not only has serious ramifications on a rules-based international order but likewise deprives Philippine fishermen of livelihood, prevents the Philippines from fully taking advantage of the resources within its exclusive economic zone, causes irreparable damage to the marine environment due to pollution and destruction of coral reefs,a nd serves to militarize the South China Sea(WPS),” diin ni Drilon
Bukod kay Drilon, sinuportahan ang resolusyon nina Senate President Protempore Ralph Recto, Sen. Bong Revilla, Jr., Lito Lapid, Nancy Binay, Grace Poe, Joel Villanueva, Kiko Pangilinan, Leila De Lima, Richard Gordon at Risa Hontiveros.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda