Naghain ng panibagong reklamo laban kina Iloilo Representative Janette Garin at Health Secretary Francisco Duque III ang nasa 100 pamilya ng mga batang umano’y nasawi matapos maturukan ng anti-dengue vaccine na dengvaxia.
Inihain ni PAO Chief Persida Rueda Acosta ang 99 na reklamo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) kung isinakay nito sa dalawang truck ang mga dokumentong magsisilbing ebidensiya.
Ayon kay Acosta, mayroon pa siyang ihahabol na dalawa pang reklamo.
Tulad ng mga nauna, kasong reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa anti torture law, consumer act at pharmacy act ang isinampa laban kay Garin, Duque at iba pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA