
MAAGANG namahagi ng pamasko ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Department of Labor and Employment at Navotas Tripartite Industrial Peace Council para sa 100 identified child laborers sa Navotas sa ilalim ng Project Angel Tree. Nakatanggap ng benepisyaryo ng grocery packs at school supplies. Ani Mayor John Rey Tiangco, ang Project Angel Tree ay bahagi ng DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) na nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan katulad ng feeding program, gamit sa pag-aaral, at damit sa mga child laborer. (JUVY LUCERO)
