Arestado ang sampung truck driver at pahinante na miyembro ng sindikato na sangkot sa “Palit-Manok’ modus.
Ang mga naaresto ay sangkot umano sa pagnanakaw ng mga manok na dinadala sa mga planta.
Modus ng grupo, nanakawin umano ang mga ide-deliver na manok at papalitan ng mas maliit na manok.
Base sa imbestigasyon lumilihis sa ruta ang truck at pinapalitan umano ng driver ang mga manok na dala nito.
Nagkasa ng operasyon ang NBI matapos magsumbong ang isang planta na substandard ang marami sa mga manok na hinahatid sa kanila kumpara sa iba.
Natuklasan din ng mga otoridad na nagagawan ng paraan ng mga suspek na dayain ang GPS tracker ng delivery truck.
Kwento ng isa sa mga suspek minsan aabot sa 1,000 manok ang ninanakaw nila sa mga delivery.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA