Ang LTO Calabarzon sa ilalim ng pamumuno ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A ay nagsagawa ng serye ng surprise random drug testing sa terminal ng Batangas.
Ito at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamumuno ni Department of Transportation Secretary Vivencio βVinceβ Dizon, at sa liderato ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na panatilihing ligtas at komportable ang publiko lalo na ngayong panahon ng UNDAS.
Sa kabuuan, 100 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang sumailalim sa nasabing pag susuri. 99 dito ay negatibo habang 1 na public utility jeepney driver naman sa Lipa Terminal ang nag positibo sa pag gamit ng ipinag babawal na gamot.
βAng pagkakapositibo ng sampung drayber sa isinagawang random drug testing ngayong Undas ay isang seryosong usapin na hindi natin maaaring balewalain. Mahigpit ang ating babala, walang puwang sa ating mga kalsada ang mga drayber na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Sisiguruhin nating sasailalim sila sa kaukulang proseso at mananagot sa batas ang sinumang mapatutunayang lumabag. Hindi natin hahayaang malagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero at motorista dahil sa iresponsableng pagmamaneho. Sa LTO CALABARZON, kaligtasan ng publiko ang ating pangunahing prayoridad, lalo na ngayong Undasβ ani RD Decena.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng LTO Calabarzon ang lahat ng driver at operator na pairalin ang disiplina, responsibilidad, at malasakit sa kaligtasan ng publiko, lalo na ngayong panahon ng UNDAS kung kailan inaasahan ang mas mataas na bilang ng mga biyahero.
Iginiit ng LTO Calabarzon na magpapatuloy ang mas pinaigting na random drug testing, terminal inspections, at road enforcement operations sa buong rehiyon upang matiyak na ligtas, maayos, at mapayapa ang biyahe ng bawat mananakay.
