
NAGSIMULA nang makatanggap ng P10,000 na tulong pinansiyal ang mga piling tricycle drivers sa ika-2 Distrito ng Caloocan.
Pinangunahan ni Congressman Egay Erice sa pakikipagtulungan ni Congressman Alan Peter Cayetano ang pamamahagi ng nasabing tulong.
Batid ni Erice na sa simpleng paraan ng pagtugon ay may hatid itong maganda para sa mga tricycle driver na apektado bunsod ng nararanasang krisis dahil sa coronavirus o COVID-19.
Hindi alintana kay Erice ang pagod at perang naimapahagi dahil higit na kailangan ng mga tricycle driver ang pagdadamayan laban sa banta ng nakakamamatay ng sakit.
Nagpapasalamat din ang naturang kongresista na naging daan upang makapag-hatid ng tulong sa ating mga kababayan sa Caloocan.
Samantala itinutulak naman ni Congressman Cayetano sa Kamara na maipasa ang P10K Ayuda Bill kung saan makatatanggap ng P10,000 (cash aid) ang bawat pamilyang Pilipino sakaling itoโy tuluyang maisabatas.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na