
Nasabat ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) ang mahigit ₱1.6 milyong halaga ng high-grade marijuana (kush) sa isang buy-bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City madaling araw ng Hunyo 22, 2025.
Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station, katuwang ang Pasig City Anti-Drug Abuse Office, dakong 2:45 AM, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa buong distrito.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Buknoy,” 27 taong gulang, residente ng Pateros at itinuturing na High-Value Individual (HVI) sa larangan ng bentahan ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay PBGEN Aden T. Lagranadante, District Director ng EPD, ang operasyon ay bunga ng maingat na surveillance at validation kasunod ng natanggap na ulat mula kay PCOL Hendrix B. Mangaldan, hepe ng Pasig City Police Station.
Nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent sachet, dalawang self-sealong plastic at isang cling wrap.
Lahat ng ito ay naglalaman ng pinatuyong dahon at bunga ng marijuana (kush) na may kabuuang bigat na tinatayang 1,100 gramo at Standard Drug Price na ₱1,650,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Ipinagbabawal na Gamot) at Section 11 (Pagkakaroon ng Ipinagbabawal na Gamot) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si “Buknoy” ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pasig CPS Custodial Facility habang inihahanda ang mga dokumento para sa inquest proceedings sa Pasig City Prosecutor’s Office.
More Stories
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN
Property exposure ng mga bangko sa Pilipinas, bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng 6 taon — BSP
Collegiate Coaches ng UAAP at NCAA, paparangalan sa SMC-Collegiate Press Corps Awards