MATAPOS umani ng kabi-kabilang batikos sa di umano’y ipinamalas na kataksilan sa likod ng eksena ng pag-iyak, humingi ng dispensa ang punong dahilan sa likod ng pagpapatalsik sa pwesto ni Senador Juan Miguel Zubiri.
Pag-amin ni Zubiri, tinangka di umano siyang kausapin kahapon ni Senador Ronald dela Rosa para magpaliwanag. Gayunpaman, sadya aniyang masama ang loob niya sa taong sinuportahan niya mula pa sa umpisa.
Hindi rin naiwasan ni Zubiri sumbatan si dela Rosa na tinulungan niya para manalo sa balwarte ng pamilya sa Bukidnon.
Ayon naman kay dela Rosa, ang mga larawan ng kanyang pag-iyak ay dahil sa di niya nagawang ipagtanggol man lamang si Zubiri.
“Kaya ako napaiyak. Hindi naman sa sama ng loob. Parang nahiya ako sa kanya dahil hindi ko napanalo yung giyera para sa kanya.”
“Because I’m one of his trusted lieutenants. Ang kanyang mission as akin eh talagang i-secure yung ang aking partido, yung PDP na patuloy na magsuporta sa kanya,” wika ni dela Rosa.
Paglilinaw pa niya, lumagda lang siya matapos making panalo na si Senador Francis Escudero sa bilang ng mga senador na nagtutulak palitan ang liderato ng Senado.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR