Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na mayroong nagtatangkang palitan si Senador Juan Miguel “Migz” Zuburi bilang lider ng Senado.
“Oo, there’s a lot of pressure to change Migz Zubiri,” ayon kay Imee.
“It’s all coming from outside the Senate, not within the Senate. So strange,” dagdag pa nito.
Samantala, ibinunyag naman ni Senador Cynthia Villar, na may pinapaikot nang ‘statement of support’ sa mga senador bilang suporta sa pananatili ni Zubiri bilang Senate President. Subalit nilinaw nilang walang magaganap na kudeta sa Senado.
“No coup,” sagot ni Villar sa tanong kung papalitan ba si Zubiri bilang pinuno ng Senado.
“E nagpapa-sign si Senate President Zubiri, pano magpapalit e siya ang nagpapasign ng support?” dagdag pa niya.
Tinawag naman ni Senador Ramon Bong Revilla Jr na tsismis lang ang tangkang pagpapalit ng liderato sa Senado.
“Walang ganyan. Mga chismis na ganyan but it’s all chismis. It’s not true [change of leadership],” ani Revilla, kasabay ng pagsabing masaya naman sa liderato ni Zubiri. Nakahanda naman si Revilla na pumirma sa ‘statement of support’ sa oras na makarating ito sa kanya. “I’m willing to sign the manifesto para sumuporta sa kanya,” ani Revilla.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan