NANINIWALA si Labor leader Atty. Luke Espiritu na deserve ni Vice President Sara Duterte ang zero budget matapos ianunsiyo ng Office of the Vice President (OVP) na walang ponding inilaab para sa Medical and Burial Assistance Program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
“Trabaho na pala ng Vice-President ng Pilipinas ang maging sepulturera? Pero seriously, wala naman sanang problema kung may ganitong tulong mula sa OVP, pero deserve ni Sara Duterte ang ZERO BUDGET dahil walang justification ang paglustay ng P125 million na confidential funds in 11 days,” ayon kay Espiritu.
“Kailangan palakasin ang mekanismo ng pagseserbisyo ng gobyerno sa mahihirap nang may transparency and accountability at nang walang pang-eepal kapalit ang boto,” dagdag niya.
More Stories
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW
32 DAYUHAN ARESTADO SA POGO SA PARANAQUE CITY