January 23, 2025

ZERO BACKLOG SA PLAKA TARGET NG LTO NGAYONG 2024

PLANO ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang backlog sa plaka ng sasakyang ngayong taon.

Ayon kay LTO Executive Director Greg Pua Jr., ang target date ay mas maaga sa itinakdang June 2025 deadline ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ang commitment po sa Presidente is to finish all the backlogs motorcycle or motorcycles by June 2025, but we will consider po itong 2020 na motorcycles,” pahayag ni Pua sa pagdinig sa Senado.

“We’re doing everything po para matapos this year,” dagdag niya.

Isinagawa ni Pua ang commitment sa pagdinig sa Senado, nang mabanggit ni Senator Raffy Tulfo ang isang concerned citizen na hanggang ngayon ay wala pa ring plaka magmula pa noong 2020.

Sinabi ni Tulfo na dapat maghanap ng paraan ang LTO upang maibigay sa mga motorcycle owners ang kanilang plaka sa lalong madaling panahon na madalas hinuhuli at hinaharas ng mga traffic enforcer.