Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis M. Zamora kasama sina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez at National Action Plan against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon ang pag-iinspeksyon sa pagbabakuna na kabilang sa A4 category o economic frontliner sa Theater Mall sa Greenhills sa San Juan City. (ART TORRES)
Umabot sa 2,500 COVID-19 vaccine doses ang pinangasiwaan ng San Juan City nitong Martes sa pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 group o essential workers na naninirahan o nagtatrabaho sa siyudad.“Ito na ang simula ng pagbangon ng ekonomiya natin. Ang San Juan ay handa na, we are targeting to reach herd immunity as soon as possible,” masayang ipinahayag ni Mayor Francis Zamora.
Binigyang diin ni Zamora na kung maraming mababakunahan ay tiyak na lalago ang mga negosyo at matatalo ang pandemya. Magdudulot din ito ng mataas na kumpiyansa sa mga consumers at mamimili rito sa San Juan.
“Uulitin ko lang ang battle cry namin sa San Juan. Dito nagsimula ang first local transmission ng Covid-19 noong March 6, 2020, at dito rin namin tatapusin,” ani ng alkalde.
Kahapon, ay personal na binisita ni Zamora ang bagong vaccination center, ang Theatre Mall Cinemas, upang tignan ang proseso ng pagbabakuna.
Kasama rin niya sina National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., National Action Plan against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon at Vice Mayor Warren Villa.
Upang mapadali ang proseso, ang mga essential workers na nakatira sa San Juan ay tumanggap ng kanilang bakuna sa main vaccination center, FilOil Flying V Centre, habang ang non-San Juaneños working sa San Juan ay maaring magpabakuna sa bagong bukas na vaccination center, Theatre Mall Cinemas 1 at 2 sa Greenhills Mall.
Binuksan ang pangalawang vaccination center sa pakikipag-ugnayan ng Greenhills Mall at Music Museum Group upang i-accommodate ang bilang ng economic frontline workers na bumubuo ng isang malaking tipak ng populasypn sa siyudad.
Maaring tumanggap ang main vaccination center ng 2,000 katao kada araw at ang second vaccination centery ay kayang bakunahan ang 1,500 indibidwal kada araw.
Tiniyak ni Galvez at Dizon kay Zamora at sa iba pang alkalde ng siyduad na mayroon pang supply ng vaccine para tanggapin ang lahat ng essential workers na nais magpabakuna.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?