
Ipinamalas ng magkakapatid na Zamboanga ang husay Pinoy fighters sa ONE: A New Breed in Bangkok, Thailand.
Wagi si Fil-Am KC Carlos sa kanyang Thai foe sa muay Thai. Panalo rin ang kapatid nitong si Drex Zamboanga kay Thai Detchandin Sornsirisuphathin.
Si Drex (8-5 win-loss slate) ay unang beses pa lamang lumaban sa ONE Championship sa flyweight division. Dinispatsa nito ang kalaban sa unang round via rear-naked choke.
Nagtala rin ng panalo ang Pinay MMA fighter na si Denice, kapatid ng dalawa sa women;s atomweight title.
Dinaig ng no.1 contender na si Denice (8-8 win-loss record) ang kalabang si Watsapinya “Dream Girl” Kaewkhong ng Thailand. Tinapos ni Denice si Kaekwong sa pamamagitan ng double-leg takedown at arm twist.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT