May legion of Filipino fans si Fil-Japanese golfer Yuka Saso na nakadaupang-palad niya. Lalo na noong finlas ng 2021 US Women’s Open sa Olympic Club sa San Francisco, California.
Ito ang mga nagtsi-cheered sa kanya kapag papalo na. Maha;aga ang suporta ng fans lalo na noong makaharap niya si Nasa Hataoka sa sudden death.
Sila ang naging rason kung bakit lumalakas ang kanyang loob sa laban.
Kasama ni Saso na nagdiwang ang mga Pinoy fans nang makopo niya ang titulo. Kung kaya, malaki ang pasasalamat niya sa kanila.
Agad niyang pinuntahan ang mga fans, kakilala man o hindi upang magpasalamat.
“I don’t know what’s happening in the Philippines right now, but I’m just thankful that there are so many people in the Philippines cheering for me,” aniya.
“I don’t know how to thank them. They gave me so much energy. I want to say thank you to everyone.”
Si Saso ang first Filipina na nagwagi ng major at third Japanese na nanalo ng titulo. Abot-kamay niya na rin ang pagpalaot sa Tokyo Olympics.
“I actually think I’m sticking with the Philippines, and that won’t change. Whatever happens in the future, I’m still Filipino and I’m still Japanese. I don’t want to choose because I’m both,” aniya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!