
Opisyal nang pasok sina Pinay golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa Team Pilipinas. Na sasalang sa Tokyo Olympics sa susunod na buwan.
Ito’y kasunod nang pahayag ng International Golf Federation ng final olympics rankings para sa mga babae.
Na nakaukupa ng slot ang dalawa na pasok sa quadrennial meet. Malaki ang nagawang pagkislap ni Pagdanganan sa LPGA tour sa US. Kung saan pumalo siya sa first-ever top 10 finish sa KPMG PGA Women’s Championship.
Ngunit, mas malaki ang nagawa ng kanyang podium finish sa third place sa LPGA Drive On Championship ( Reynolds Lake Oconee).
Sa ngayon, nasa 14 na pambato ng bansa sa olympics at inaasahang madadagdagan pa ito.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT