“You’re next.” Ito ang pahaging ni reigning WBC bantamweight champion Nonito Donaire Jr sa target nitong sunod na makalaban. Ang tinutukoy ni “The Filipino Flash” ay si Japanese IBF at WBA bantamweight champ Naoya Inoue.
Kagagaling lang nito sa panalo kontra kay fellow Pinoy pug Reymart Gabalo. Umaasa si Donaire na maikakasa ang rematch nila ng Japanese champ. Nabigo siya sa unang nilang sagupaan noong November 7, 2019 sa Saitama, Japan. Pero, kung matutuloy ang rematch, ibang usapan na.
Puntirya nito na makuha ang 2 pang belts sa bantamweight division. Tiwala si Donaire na maikakasa ang laban nito kay Inoue sa susunod na taon upang maisakatuparan ang inaasam nitong pagresbak sa Japanese fighter.
“ The main goal is definitely getting all the belts right here (across the table). Whoever stands in that way, with Richard’s (Richard Schaefer, Donaire’s manager) genius, he will make the fight happen.”
“That’s the goal, becoming the undisputed champion in the world,” ani Donaire.
Aniya, malaki ang respeto niya sa Japanese champion. Gagawin niya ito hindi lamang sa titulong nais makuha. ‘O maghari sa bantamweight division. Kundi, para paangatin pa ang boksing sa dibisyong kinabibilangan. Wala aniyang personalan, boksing lang.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison