TINAWAG na “fake news” ng Manila Public Information Office (PIO) ang larawang ipinost ng “Mocha Uson Blog” Facebook page kung saan makikita ang tumpukan ng mga tao sa harap ng isang mall.
Hinimok ng Manila PIO na i-report ang naturang post bilang fake news na ini-upload ng isang “Admin S” sa Facebook page ni Uson.
“YORME. Sa Maynila ganito kami, sa 2022 buong Pilipinas na rin sana,” mababasa sa caption ng naka-post na larawan.
Sinasabi kasi ng nag-upload na kuha ang litratro sa isang mall sa Maynila.
Pero paglilinaw ng PIO, ito ay kuha mula sa Robinson Place Antipolo, na hindi sakop ng Lungsod ng Maynila.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA