December 28, 2024

YAKULT GAWA SA SPERM NG BAKA?

ISANG Facebook user ang nag-post ng piraso ng screenshot ng Google Search noong Abril 17,  kung saan lumalabas na ang paboritong inumin ng Pinoy na Yakult ay “gawa umano sa sperm ng baka.”



Ang Google Search snippet ay may petsang Hulyo 31, 2020 na ipinoste ng Facebook page DYK, na isang “Just For Fun” page. Mayroong 63 likes ang naturang Facebook page at ngayon ay hindi na active.

Ito ay walang katotohanan. Hindi kasama ang sperm ng baka sa sangkap ng Yakult.

Ayon sa website ng Yakult Philippines, ang mga sangkap ng naturang inumin ay pinagsama-samang tubig, asukal, skim milk powder, glucose at Lactobacillus casei Shirota. Ang Lactobacillus casei Shirota ay isang probiotic strain ng lactic acid bacteria na tumutulong mapanatili ang kalusugan ng bituka.

Nakarehitro rin ang mga produkto ng Yakult sa Food and Drug Administration sa Pilipinas.

Hinalungkat din ng Agila ng Bayan ang official website ng Yakult sa ibang bansa. Wala ring cow sperm na inihahalo ang Yakult producer sa kanilang produkto.