DESERVE ng mga barangay tanod na magkaroon din ng Christmas bonus, ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Briam Raymund Yamsuan
‘Yan ang dahilan kung bakit isinusulong at inihain ni Yamsuan ang House Bill (HB) No. 10909, na naglalayong mabigyan ang mga barangay tanod ng ganitong uri ng benepsiyo, kasama na ang libreng legal na tulong at insurance coverage.
Sinabi ni Yamsuan na mahalaga ang papel ng mga tanod sa komunidad nagpapanatili ng kapayapaan sa bawat barangay.
“They are, at times, exposed to criminal elements and other dangerous threats to the community, yet the benefits they receive are not commensurate with the risks they face every day,” saad ng dating assistant secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
“Maraming barangay tanod ay nalalagay sa panganib ang buhay at minsan pa nga ay napapatay dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Sa kabila nito, tila ba napabayaan na ang kanilang kapakanan sa ilalim ng ating mga kasalukuyang batas kung saan kakarampot ang kanilang mga benepisyo. Layunin nating mai-upgrade ang kanilang benefits para naman may sapat silang proteksyon laban sa mga posibleng panganib na maari nilang makaharap,” dagdag pa niya.
Sa sandaling maging ganap na batas ang House Bill 10909 ang bawat qualified na tanod ay makakatanggap ng Christmas bonus.
Sa ilalim ng nasabing batas, tinitiyak ang tenure ng mga barangay tanod sa sandaling sila ay itinalaga.
Ang Sangguniang barangay ang mag desisyon kung tatanggalin ang isang tanod na may sapat na basehan. ” Members of the barangay tanod brigades serve as public safety officers in our communities. We hardly notice them as they carry out their task of keeping our homes and streets safe, especially at night when most of the community is resting,” pahayag ni Rep. Yamsuan.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL