NAGPASIKLAB sina Charmea Quelino at Nick Gabriel Ligero ng Pilipinas sa kanilang unang sabak sa prestihiyosong XI Asian Senior Kurash Championship & World Kurash Series Qualifier na ginanap kamakalawa sa Hangzhou,China.
Nakapag-uwi si Quelino ng silver medal na isang tagumpay na kampanya sa mataas na antas ng kumpetisyong international( Asian level) at pinakamataas na naabot kumpara sa kanyang Southeast Asian counterparts.
Naka- gold sa naturang female category 63 kg category sa W.Zhang ng China habang nakuntento sa bronze medal sina M.Kadirberganov ng Uzbekistan at A.Sharma ng India.
“Laban talaga si Charmea( Quelino). Kahit sino ang kaharap niya ,di siya intimidated at bigay- todo kaya halos abot- kamay ang ginto. Ready na siya sa AIMAG at Asiad.Hats off sa tapang ng Pinay” , wika ni Philippine Kurash Federation top brass Rolan Llamas.
Bronze medal naman ang nasungkit ni Ligero sa male 60kg sa bakbakang nilahukan ng 9 na bansa sa Asia.
Si Abdulaziz Khamroev ng Uzbekistan ang kumopo ng gold habang silver naman si Hai Le Qong Hoang ng Vietnam.
Ang iba pang bansang kalahok sa male at female category ay Korea,Turkmenistan,Kuwait,Hongkong,Iran at Chinese Taipeh.
Samantala,nahalal na Dep,President si Rolan Llamas ng Pilipinas sa Kurash Union of Southeast Asia.President si Pulthak Satjattumakai ng Thailand at VP si Nguyen Hat Hao ng Vietnam.
More Stories
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE
ICF World Dragon Boat meet…PILIPINAS PINAKAMAGILAS SA PUERTO PRINCESA!
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!