Nilusob ng puwersa ng Russia ang Ukraine by land, air at sea ngayong Huwebes. Inulan ng mga Russian missile ang mga lungsod sa Ukraine at may mga ulat na tumawid na ang mga sundalo sa border.
Ang mga pagsabog ay narinig madaling araw sa kapitolyo ng Kyiv. Umalingawngaw ang putok ng baril, umugong ang sirena sa buong lungsod at ang highway palabas ay nabulunan ng trapiko habang lumilikas ang mga residente.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang layunin ng Kremlin lider na si Vladimir Putin ay sirain ang kanyang bansa.
Inilunsad ni Putin ang ganap na paglusob sa Ukraine. Ang mapayapang mga lungsod sa Ukraine ay nasa ilalim ng strikes,
sabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba sa Twitter.
Ito ay isang digmaan ng agresyon. Ipagtatanggol ng Ukraine ang sarili at mananalo kami. Dapat pigilan ng mundo si Putin. Ang oras para kumilos ay ngayon na.
Iniulat ng Ukraine na ang mga hanay ng sundalo ay kumikilos sa kanilang border patungo sa silangang bahagi ng Chernihiv, Kharkiv at Luhansk, at magla-land sa dagat sa port cities ng Odessa at Mariupol sa timog.
Sinabi ni European Union foreign affairs chief Josep Borrell: Ito ang pinakamadilim na oras sa Europa mula noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Ukraine, isang demokratikong bansa na may 44 milyon na tao at mahigit 1,000 taon ng kasaysayan, ay ang pinakamalaking bansa sa Europa by area kasunod ng Russia. Bumoto ito para makamtan ang kanilang independensiya nang bumagsak ang Soviet Union, at naglalayon na sumali sa North Atlantic Treaty OrganizationNATO at European Union, mga aspirasyon na ikinagalit ng Moscow.
Si Putin na itinanggi sa loob ng maraming buwan na wala siyang plano na sumalakay, ay tinawag ang Ukraine na isang artipisyal na creation na inukit mula sa Russia ng mga kaaway nito — isang characterization na tinatawag ng Ukrainians na kagulat-gulat at hindi makatotohanan.
Tatlong oras matapos ideklara ni Putin ang kanyang order, sinabi ng Defence Ministry ng Russia na napabagsak na nito ang military infrastructure sa Ukrainian airbases at pinahina ang kanilang air defences.
Bago iyon, iniulat ng Ukrainian media na ang military command centres sa Kyiv at Kharkiv ay tinamaan ng mga missile, habang ang mga Rusong sundalo ay dumating sa port cities ng Odessa at Mariupol. Isang witness mula sa Reuters ang nakarinig ng isang malakas na pagsabog sa Mariupol.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY