NAKAHANDA na ang entablado para sa 2024 World Slasher Cup 1st Edition, habang ang mga breeders mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang maglaban para sa prestihiyosong titulo sa Enero 20 hanggang 26 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Sa ika-62 taon nito, ang naturang event na tinawag na Olympics of Cockfighting ay nangakong ipapakita ang pinakamahuhusay na manok na panglaban.
Ang elimination ay sa Enero 20 at 21, na susundan ng semifinals sa Enero 22 at 23.
Matapos ang isang araw na break, gaganapin ang pre-finals sa Enero 25 para matukoy ang top contenders para sa grand finals sa susunod na araw.
“The world’s top breeders and cockfighting enthusiasts are converging once more, bringing their prized entries to the World Slasher Cup for a shot at the ultimate glory and a place in the sport’s history,” ayon kay chief operating officer Irene Jose na organizer ng Uniprom sa ginanap na event sa Novotel Manila Araneta City nitong Sabado.
“Only the best and most skilled will claim the prestigious title of World Slasher Cup champion, a true mark of excellence in the sport of cockfighting,” dagdag niya.
Tampok sa kompetisyon ang mga kilalang pangalan sa sport, kabilang ang bisita na si Mike Formosa (Hawaii) at Ray Alexander (Texas), kasama ang mga kilalang lokal na personalidad na sina Patrick Antonio, Ed Apari, at Biboy Enriquez.
Higit pa sa sabong, ang torneo ay isang pagdiriwang ng tradisyon, pagkakaibigan, at pagsusumikap para sa kahusayan sa sport. RON TOLENTINO
More Stories
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan
DOH PINURI NI BONG GO (Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior)