November 25, 2024

WORKERS SA DOH: NASAAN ANG PANGAKONG BENEPISYO?

Umalma ang grupo ng private healthcare workers sa patuloy na pagkaantala sa pagpapalabas ng benepisyo na ipinangako ng pamahalaan.

Subalit sinisi ng Department of Health (DOH) ang mga mga ospital dahil sa hindi pagsunod sa requirements.

Sa isang press conference, hiniling ng Private Hospital Workers Alliance of the Philippines (PHWAP) ang pamamahagi ng allowances na inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-release mula Agosto.

Ang PHWAP ay kumakatawan sa 63,772 health works sa 12 pribadong ospital sa Metro Manila at Laguna.

Kabilang sa mga ospital ay ang  Chinese General Hospital, University of Santo Tomas (UST) Hospital, St. Luke’s Hospital (Quezon City at Bonifacio Global City), Metropolitan Medical Center, De Los Santos Hospital, The Medical City, Our Lady of Lourdes Hospital, Cardinal Santos Hospital, Calamba Medical Center, Hospital of Infant Jesus at Manila Doctor’s Hospital.

Ayon kay Donell Siazon, union president ng UST Hospital at convener ng PHWAP, inaasahang makatatanggap ang bawat health worker ng P38,000 na sumasaklaw sa anim na buwang trabaho. Hndi kasama sa nasabing halaga ang special risk allwances (SRA) at iba pang benepisyo, tulad ng life insurance para sa mga nasapul ng COVID-19 habang naka-duty.

Ayon kay Siazon, marami sa mga worker ang natanggap na ang kanilang SRA, utay-utay man o buo, pero karamihan ay hindi pa nakatanggap ang allowances na ibinigay sa ilalim ng Bayanihan 2 Law.