The economic crisis caused by the pandemic is getting worse. Marami sa mga manggagawa ang nawalan ng trabaho at basta na lang naglaho ang kanilang employer at tinalikuran ang obligasyon nilang magbigay sahod, benepisyo at separation pay.
Dahil sa crisis, marami ang nasa floating o furlough status at dinidedma ng mga employer at walang update kung kelan pwedeng bumalik sa trabaho.
Dahil din sa crisis, marami ang dating regular na naging Endo, part-time, on-call at pakyawan na lang ang trabaho. Ang matindi nito, binawasan pa ang kanilang sahod at mga benepisyo na walang usapan kung kelan maibabalik.
Wala na ring hulog ang employees’ SSS, Philhealth at Pag-ibig for some reason or another kaya ayun walang mauutangan kapag nagipit o nagkasakit.
Marami ang naka work from home pero mga gadget, equipment, load, at additional electricity manggagawa pa ang nagbabayad. Tapos, tumatawag pa si boss kahit 10 pm. na!
Sa ganitong mga panahon ang mas mainam na mag-organisa ang mga manggagawa bilang mga unyon to help you voice and keep your jobs, keep your wages and benefits, & keep your security of tenure.
Hindi po bawal at hindi illegal ang mag-organize ng unyon. If you need help in organizing unions quickly and easily, please contact me at 09158519558 at the Associated Labor Unions-TUCP. We will make organizing unions easier for you.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!