
Kapag pinangalagaan ang isang supportive environment, ang mga negosyante ay umuunlad at nagtatagumpay.
Katulad ng kaso ni Marie Claire Bince, ang negosyanteng nasa likod ng Purple Craft at isang buhay na patunay ng katatagan at inobasyon.
Sinimulan ni Marie Claire ang Purple Craft CDO na nakatuon lamang sa scrapbooking. Gayunpaman, kailangan niyang mabilis na umangkop at mag-imbento ng negosyo matapos tumama ang pandemya noong 2020.
“With the lockdown, we became resilient,” pagbabahagi ni Marie Claire. “We created takeout boxes. It wasn’t easy, as we had to work from home using only basic tools. Despite these challenges, we found a way to keep the business going.”
Ang naging determinasyon ni Marie Claire ang naging dahilan para maka-survive ang kanyang negosyo at mapalago noong mga panahon ng pagsubok. Kaya nagdesisyon siya na mag-aral ng art at science para sa pagnenegosyo at humingi ng tulong sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa huli, sumali siya sa Enhanced Business Learning Session (EBLS) ng DTI para sa entrepreneurs noong 2024.
Ang EBLS ay isang three-month short business courts na may one-on-one coaching sa marketing, production, operations, organization/human resource at financial management. Isa itong sa inisyatiba ng DTI Misamis Oriental upang mapalakas ang mga engosyo sa Cagayan de Oro City.
“Joining EBLS helped me improve how I manage my business, especially in handling finances and staffing. I realized I still had a lot to learn and improve,” saad niya.
Sa pamamagitan ng programa, nakakuha siya ng mahahalagang kaalaman na nakatulong sa kanya na i-refine ang mga operasyon, i-expand ang kanyang market at i-improve ang kanyang branding.

Masigasig na matuto ng mga bagong bagay, nag-enroll din si Marie Claire sa Kapatid Mentor Me (KMME) Program Batch 18 ng DTI.
Ang KMME ay isang flagship program ng DTI na idinesenyo upang tulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na palakihin ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng mentorship.
“Now, joining the KMME program, I’m hoping to grow my business and build more connections,” dagdag niya.
Ang kanyang naging paglalakaybay ay sumasalamin sa diwa ng National Women’s Month Celebration ngayong taon na may temang, ““Babae sa Lahat ng Sector, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Ang kanyang kwento ay patunay na sa tamang suporta, determinasyon, at kagustuhang matuto, ang mga babaeng negosyante ay maaaring malampasan ang mga hamon at palaguin ang kanilang mga negosyo.
“Challenges are part of the journey. Every setback is an opportunity to learn and grow.” Saad ni Marie Claire.
Believe in yourself and your vision. I offer everything to the Lord. As the saying goes, ‘Place all your worries in God’s hands, and trust that He will provide for your business.’”
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal