Humarap na si WNBA player Brittney Griner sa Russian court upang harapin ang asunto sa kanya. Gayunman, tiniyak ng Amerika ang kanyang seguridad at kalayaan . Siniguro ito ng United States sa pamamagitan ng prisoner swap. Sa gayun ay hindi siya mabilanggo ng 10 taon dahil sa drug charges.
Natimbog ang 2-time Olympic gold medalist at WNBA star sa Moscow Sheremetyevo airport; noong Feb.17 dahil sa nakitang drug paraphernalia sa kanyang luggage.
Ayon kay U.S Secretary Anthony Blinken, nag-alok ng ‘ subtantial offer’ ang U.S sa Russia. Na palayain ang American citizens na nakapiit sa Russia. Kabilang na rito si Griner at former Marine Paul Whelan.
Ayon sa source, gusto ng Washington na ipalit sa dalawa si convicted arms trafficker Viktor Bout. Markado si Bout bilang “Merchant of Death.”
Ayon naman sa Russian, wala pang plantsadong deal dito. Hindi pa makalalaya si Griner hanggang wala pang pasya ang korte. Ibaba lamang ang desisyon sa mid-August. Kapag naganap na, saka pa lang gugulong ang prisoners swap.
Naghain naman ng guilty si Griner sa ginawa. Subalit, itinangging sinadya niyang labagin ang batas na ipinatutupad sa Russia.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2