Kalaboso si WNBA champion at 2-time olympics gold medalist Brittney Griner sa bansang Russia. Maaari rin siyang makulong ng 10 taon matapos ipataw ang drug charges sa kanya.
Batay sa ulat, natagpuan ng custom officers ang ‘vapes’ na may hashish oil sa kanyang luggage. Ani ng Russian Federal Customs Service, kinumpirma nito ang pag-aresto sa Phoenix Mercury basketbelle. Nangyari ito noong Pebrero matapos mabuko ng narcotics dogs na may droga sa luggage niya.
“After scanning the bag, the customs officers noticed vapes,” ayon sa statement.
“The experts found that the cartridges for them contain liquid with hash oil.”
Naglabas din ang agency ng video ng nasabing insidente. Kung mapapatunayang guilty, makukulong ang player ng 5-10 taon. Kaugnay dito, suportado naman ng WNBA si Griner. Prayoridad ng liga na makauwi siya ng ligtas mula sa Russia.
Hindi rin malinaw sa ngayon kung nasa kustodiya pa ng pulis si Griner.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2