KUMUNOT ang noo ng mga netizens sa naging komento ng komedyante at TV host na si Willie Revillame nang tanungin kung ano ang kanyang gagawain sakaling manalong senador.
Ayon kay Revillame, hindi siya dapat madaliin sa kung ano-ano ang kanyang mga gagawin o ipanunukalang batas sakaling siya ay manalo bilang senador sa darating na 2025 midterm elections.
Sa isang panayam ng mga batikang peryodista sa telebisyon, hayagang inamin ni Willie Revillame na wala pa sa kanyang isip kung ano ang gagawin sakaling makalusot sa Magic 12.
“Wala pa kasi hindi pa naman ako nananalo. Pag nanalo ko, don ko na iisipin lahat yan,” wika ni Revillame kasabay ng giit na mas dapat niyang pag-ukulan ng pansin kung paano mananalo sa halalang itinakda sa Mayo.
Sa pagkadismaya ng mga manonood ng naturang programa sa telebisyon, ibinuhos ng mga netizens ang gigil sa paraan ng mga patutsada sa social media.
May ilang nabigla sa sagot ni Revillame na anila’y tila wala sa tamang pag-iisip. Meron din nangalampag sa mga botante para ibasura ang mga katulad niyang maidaragdag lang di umano sa mga sakit ng ulo sa senado, habang ang iba naman napabulalas na lang ng “Goodluck Philippines.” Kabilang si Revillame sa mga artistang naghain ng Certificate of Candidacy para sa posisyon ng senador.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan