January 24, 2025

WGM FRAYNA SURE NA SA MARINDUQUE GOVERNORS CUP CHESS C’SHIP GOH

KUMPIRMADO na ang pagdalo ni first Filipino Woman Grand Master (WGM) Janelle Mae Frayna bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagsulong ng 1st Marinduque Governor’s Cup na lalarga  sa Boac, Marinduque sa November 9, 2022

Ayon kay Philippine Executive Chess Association member/player Giovanni Buhain, pagniningningin ni Frayna, tubong Legaspi sa Bicol at 2021 SEAG gold medalist (women blitz chess) ang isang araw na kaganapang todo-suportado ni Marinduque Governor Presbiterio Velasco Jr. na lalahukan ng mga rated, unrated, junior, senior, female at mga propesyunal at titulado sa lalawigan at bisita

“WGM Frayna will surely inspire and motivate our young chess players, adults and female wood pushers particularly in Boac, Marinduque. Welcome to our Capital, Woman Grand Master and players!” sambit  ni Buhain na katuwang si Engr, Lauro Bautista sa pag- organisa sa pamamagitan ng Boac Chess Knight League kasabay ng kanilang pasasalamat kay Governor Presbiterio Velasco, Jr. at  Cong. Lord Allan Velasco sa kanilang malasakit sa sport sa lalawigan partikular sa larong ahedres.

“Maagang pamasko ito sa mga batang chess afficionados mula sa ating pinagpipitagang lider ng ating pamayanan dito sa ating lalawigan lalo sa mga bibong batang Marinduqueño (BBM) kaya welcome po sa lahat mula manlalaro hanggang coaches, student players, pros at mga titulado,” ani pa Buhain.   

Si WGM Frayna na nabigyan ng prestihiyosong titulong Woman Grand Master ng FIDE noong 2017 ay nasa  paghahanda na rin upang kumatawan para sa  bansa sa larangan ng chess sa  darating na 32nd Southeast Asian Games Vietnam 2023.