Sinilat ni Super Grandmaster Wesley So si Russian GM Vladislav Artemiev sa Meltwater Championship Chess Tour Final. Namate nito ang kalaban sa round 3 kaya nanatili siyang nakakabit sa second spot ng torneo.
Nasa first spot pa rin reigning World Champion na si GM Magnus Carlsen. Nakapagtala ito ng 23.5 puntos matapos talunin si GM Maxime Vachier-Lagrave via tiebreak games.
Nagtala Bacoor, Cavite native at 27-anyos na chess wizard ng 2.5. Kontra sa Russian GM na 1.5 sa kanilang 4-game match. Kaya naman, nakatipon siya ng 18.5 points kabilang ng 12.5 points na bonus.
Ang nalikom na 12.5 points ay mula sa 9 legs ng nasabing torneo. Kung saan ay pinagharian niya ang 3 legs dito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!