TUNAY na isang buhay na alamat sa larangan ng sports sa bansa si Avelino ‘Samboy’ Lim – ang nag-iisang ‘The Skywalker’ ng Philippine Basketball Association (PBA).
Iniidolo ng kanyang mga tagahanga at respetado ng kakampi, katunggali maging ang mga kawani, opisyal at lahat ng konsernado sa Asia’s first professional basketball league dahil sa kanyang likas na husay at ‘humility sa loob at labas ng hardcourt.
Ang produkto ng Colegio de San Juan de Letran Knights sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) na si Samboy ay lalong bumandera ang karera sa larangan ng basketball noong dekada ’80 kung saan bawat tapak niya sa mahogany playing court suot ang kanyang trademark na puting medyas hanggang tuhod ay mistulang ‘enter the dragon’ dahil sa halos bumubuga ng apoy nitong paglalaro na humahawa ng adrenaline sa performance ng kanyang teammates para sa koponan at sa kanyang ‘legion of fans’.
Ang 6’1″ superstar ng San Miguel Beer sa PBA at maraming beses na naging miyembro ng national team ay hinangaan nang husto dahil sa kanyang highwire acts, fearless drive sa kanyang career sa loob at labas ng bansa na dahilan din sa madalas niyang matamong injury sa paglalaro pero sa bawat kanyang pagbabalik ay naroon pa rin ang kanyang patented skywalking moves kaya’t lalo siyang minahal ng kanyang tagahanga at sa kabila ng tinatamasang tagumpay ay naroon pa rin ang kanyang likas na kababaang- loob maging hanggang sa labas ng arena.
Kaya siya nahirang na isa sa PBA Legends at kabilang sa mga dakilang manlalato ng institusyon sa basketball.
Kahit sa kanyang pagreretiro ay ‘di nabawasan ang pagmamahal ng kanyang tagahanga at si Samboy naman ay nananatiling mahal ang larangang nagpatanyag sa kanya kaya hindi siya tumigil nang ganoon na lamang.
Naglalaro pa rin at nagtuturo siya sa mga potensiyal na kabataang basketbolista di lamang sa Kamaynilaan kundi pati sa mga lalawigan at kahit na di na siya aktibo sa PBA ay tinitilian pa rin si Samboy kahit saan siya magtungo ‘for the love of basketball.’
Isa ang reporter na ito sa makapagpapatotoo sa husay, karisma at humilidad ng ‘The Skywalker nang paunlakan ang ating imbitasyong magturo at magbigay-inspirasyon sa mga potensiyal na kabataan sa aking balwarte sa Tarlac higit isang dekada na ang nakaraan. Dinumog ng tao ang noon ay open court pa lamang upang siya ay masilayan pero sa kabila ng init ng araw ay nakangiti at masaya itong nagturo sa mga bata kasama ang very close friend na si Alex Wang at Wang’s Sports selected players.
Isang kaganapang nakatatak pa rin sa puso ng mapalad na Tarlacqueños hanggang ngayon dahil sa pambihirang pagkakataong makasalamuha nila ang basketball superstar up close and personal.
Sa patuloy na pagbibigay-saya sa basketball fans ni Samboy bilang miyembro ng PBA Legends ay sumapit ang isang insidenteng ikinabigla at ikinalungkot ng lahat nang sa kalagitnaan ng Legend’s game ay inatake (cardiac arrest) ang alamat na naging dahilan ng kanyang mahabang laban kontra sa kanyang karamdamang nagpahinto sa kanyang aktibong atletang galaw noong 2014 pero likas na matapang si Samboy.
‘Di siya sumusuko at patuloy ang kanyang laban upang makamit ang mithing full recovery na hangad ng lahat nang Pilipinong itinuring siyang modelo at inspirasyon sa larangan ng pakikibaka sa buhay. Gagaling din ang isa sa pinakamagaling na basketbolista ng bansa … ABANGAN!
Si Samboy ay biniyayaan ng isang ‘gem’ na supling sa katauhan ni Jamie Christine Lim-SEAGames 2019 women’s karate gold medalist at summa cum laude ng UP College of Science, Joker Arroyo medal awardee bilang outstanding BS Graduate in Mathematics sa UP na unibersidad din ng kanyang naging maybahay na si lawyer Darlene Berberabe Lim ng Pag-Ibig Funds.
No way but up to full recovery na para kay legendary Samboy Lim. ARRIBA!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA