Nasungkit ng Zamboanga native weightlifter na si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas, mula sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.
Sa kaniyang inisyal na pagbuhat, bahagyang nag-alangan si Diaz kaya sinikap nitong maging perpekto na ang sunod nitong pagbitbit, hanggang sa 127 kg.
Nilagpasan ni Diaz ang mga kinatawan ng China at Kazakhstan.
Una rito, nakasungkit na rin dati ng silver medal ang Pinay weightlifter sa nakaraang Rio Olympics noong 2016.
Si Hidilyn ay ipinanganak noong Pebrero 20, 1991 at lumaki sa Zamboanga, bago sumabak sa weightlifting events sa national at international level.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA