CEBU CITY – Kinumpirma ng pulisya ang ulat na inaresto nila ang isang professional boxer matapos akusahan ng pangmomolestiya at panggagahasa sa isang menor de edad.
Dinakip ang Pinoy boxer na si Albert “Prince” Pagara, noong Miyerkoles ng gabi sa Sitio Terra Dulce, Barangay Inayawan, Cebu City kung saan siya nakatira kasama ang live-in partner.
Minolestiya at ginahasa umano ni Pagara ang isang 14-anyos na dalagita.
Ayon kay Police Major Jose Angelo Acupinpin, hepe ng Pardo Police Station, inamin ng kaanak ng biktima na naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon noong Miyerkoles at ini-report sa mga barangay tanod na siyang umaresto sa atleta.
Hindi na pumalag si Pagara nang arestuhin, subalit itinanggi ang mga akusasyon na ipinupukol sa kanya.
Samantala, sinabi ng pulisya na sasampahan nila ng kasong rape si Pagara, na kasalukuyang nasa kanilang kustodiya.
“That is the request and complaint of the parents so we will file them. To include in our filing are the medical and physical examination result of the victim, and her and her guardian’s statement,” paliwanag ni Acupinpin.
Nanalo siya ng 33 beses sa kanyang 34 na laban. Noong 2016, naagaw ang kanyang titulo bilang World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental super bantamweight matapos talunin ni Mexican boxer Cesar Juarez.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?