Nagtala ng stunning split decision win si Pinoy boxer Reymart Gaballo. Tinalo ni Gaballo si Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.
Dahil dito, nahablot Filipino boxer ang interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title, sa laban na idinaos sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Naging impresibo sa mata 2 judges ang 24-anyos na fighter mula sa Polomolok, South Cotabato. Kaya naman, nakakuha siya ng 115-113 at 116-112.
Habang ang isa ay nagbigay ng 118-110 para kay Rodriguez. Mas agresibo ang Puerto Rican sa laban. Ngunit, mas naging madiskarte ng Pinoy boxer.
Dahil sa panalo, na-improved ni Gaballo ang perpect record na 24-0. Ang laban kay Rodriguez ang una niyang salang; sapol nang magtala ng TKO win laban kay Chaiwat Buatkrathok ng Thailand noong December 12, 2019.
Si Gaballo rin ang replacement ni compatriot at 4-time world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.
Nabaklas sa laban si Donaire dahil nagpositibo ito sa COVID-19, isang lingo bago ang laban.
Bukod sa WBC title, hawak din ni Gaballo ang interim WBA bantamweight belt. Na nahablot niya via unanimous decision win kontra Stephon Young ng Amerika.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!