November 18, 2024

‘WATER CANON ATTACK’ NG CHINA SA BARKONG PILIPINO, KINONDENA

BINATIKOS ng mga senador ang ginawang pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa supply boat ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Ayungin Shoal gamit ang water cannon nitong Sabado, Agosto 5.

“The Chinese Coast Guard has ABSOLUTELY NO RIGHT to block, let alone water cannon, our supply vessels. Wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal,” ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“China’s repeated provocations are in complete violation of UNCLOS and the 2016 Arbitral Award,” dagdag pa nito.

Nanawagan din si Hontiveros sa “regional neighbors” at sa “broader international community” na sumama sa Pilipinas sa pagkondena ginawa ng CCG.

“I also hope our country can start joint patrols with other claimant countries in the SCS, such as Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei. Kailangan nating magtulungan para mapahinto ang agresibong mga aksyon ng Tsina,” ani Hontiveros.

“Umaasa din ako na ang DFA ay sinisimulan na ang mga hakbang para ilapit sa iba’t ibang international fora ang walang katapusang panghihimasok ng Tsina. The recently adopted Senate resolution 718, with its precision and specific recommendations, is at their disposal,” saad pa niya.

Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang panibagong insidente ng pambubully ng China a West Philippine Sea (WPS) na lubhang taliwas na ipinopostura ng Beijing sa pakikipagkaibigan.

“This is yet again a manifestation of its “might vs. right” treatment of its peaceful neighbors,” giit ng senador.

Sinabi ni Zubiri na ipinakikita ng pagkilos ng China ang dalawang mukha nito sa international community na naghahandog ng pagkakasundo-sundo pero nanggigipit sa kapitbahay.

“By its actions, it shows diplomatic duplicity, of preaching about amity, but practicing hostile behavior,” aniya.

“Gusto naming makipagkaibigan, pero bakit China ang hirap mong mahalin?,” paliwanag pa ni Zubiri.

Aniya, pinagtibay ng insidente ang merito ng resolusyon ng Senado na ipinasa kamakailan.

“Because China contemptuously ignore protests, all the more that we have to rally the world to condemn acts which have no place in a civilized order,” ayon sa lider ng Senado.