January 27, 2025

Watakbayan, Ubos sa Halalan’22

ISANG taon na lang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sa Mayo 2022 ay idaraos na ang presidential election.

Filing na ng candidacy sa Oktubre 2020 kaya halos ay nasa kanto na ang euphoria ng halalan.

Pero ang mga oposisyon, di pa rin mapakali at walang puknat kung paano gibain at ibagsak ang kinamumuhian at kinaiinggitan nilang pinuno ng ating nasyon at tunay namang  di na sila makahintay sa eleksiyon.

Limang taong singkad nilang walang habas na hinaharabas at hinahanapan ng butas si Digong upang kanilang ratratin para kamuhian din ng sambayanan sa pamamagitan ng propagandang laging  nagbu- boomerang sa kanilang naging salot na lang ng lipunan.

Magmula sa EJK (extra judicial killing) sablay daw na giyera sa droga, hindi umano disente, walang kalidad ng pagiging statesman, pagtugon sa kalamidad, kawalan ng hanapbuhay, pagsadsad ng ekonomiya, palpak kunong diskarte sa COVID-19 na pinalalaki ng isyu sa kabagalan ng pagdating ng bakuna hanggang sa pagsakay nila sa isyu ng China intrusion sa WPS, ang paggawa ng fake news na wala na siyang suporta sa military at ang patuloy pa rin nilang isinisigaw na “Duterte Resign!”

Wala umanong nagawa si (build, build , build) PDU30 sa lahat ng isyung ipinupukol ng mga pesteng kritiko na naging kalaban na ng gobyerno at ng mayorang Pilipino.

Hindi sila makakuha ng simpatiya sa masa upang mag-alsa ng wa -epek nang people’s initiative.

Noon kasi ay nagoyo ang tao sa propaganda ng kanilang kakamping mainstream media pero ngayon ay may pangontra na – ang social media.

Dahil sa mulat na katotohanang sa loob ng limang taon ay sila ang tunay na  walang nagawa para sa mamamayang Pinoy dahil puro abang sa pagkakamali ni Duterte ang inatupag ng mga buwitre.

Ang mga markadong halal ng bayan na walang ginawa para sa taumbayan na tiyak sa kangkungan ang kahahantungan sa ’22 ay kinabibilangan nina peykbipi, dilimaw, hontivirus, kikkomatsing, poetsanaman,

francpork, no-seebinay,xenfing,

sarataenya, llagmanndugas sama pa jan si nuynuying, palengking marton, coup’al, colmenowty  kakomplut ang biased tri- media, oligarko, mga parimonyo,assjastiis carpiohawar, makabayangbulok , jomaporolseason at lahat ng mikrobyo deretso inidoro. Pawang mga kampon ng WATAKBAYAN! Sulu ng liwanag sa dako pa roon  ang parating. LAMP’ara lang ang pa-flush sa mga iyan..Abangan!

Lowcut: Shoutout sa M24 Builders of Guardians Toronto Canada , USA and Manila headed by Founder/ Organizer Bro Doc Chito Collantes M24B1024. Hats off kay Sis Lingling Adora ng M24 Toronto Canada.Without much drumbeating,nairaos pala ni Sis Lingling ang kanyang adbokasiya na FEED THE ELDERLIES IN CATBALOGAN,

SAMAR kamakailan sa tulong ng kanyang batchmates sa kanyang balwarte. Sobrang ligaya ng mga mahal na senior citizens sa SAMAR na nakatikim ng pagkain ng sikat na food chain sa bansa at may mga regalo pa.Sis Lingling ,isa kang GOOD SAMARitan!

Kudos to Bro Arman Quimirista M24 Toronto, Bro JayAr Quimirista ,AtO Tagaytay Bro Jeric Quimirista of famous Golden Dale Foods.Sis Janice Ronquillo AtO Calamba, Bros Arvin David ,Ariel Manas Supremo Elias Dematera ( congrats sa bagong bukas na branch TAKOYATEA Imus),Sis Ella Parente,Sis Moneth, Sis Red Violet, Bro Randy Mana-ay, Bro Rolen dela Guizon,Bro Roel Paccarangan,Bro Jeff Peraz at sa lahat ng kapatiran sa Manila – Toronto at USA .Mabuhay!