CLARK FREEPORT – Inilunsad kahapon ang Wastewater Treatment Plant Efficiency Improvement Project ng naturang Freeport, bilang paunang hakbang sa Clark Water Corporation’s (CWC) sa regulasyon gobyerno sa water treatment.
Sa suporta at direktiba ng Clark Development Corporation, naisagawa ang paunang hakbang ng CWC upang sumunod sa sa mga requirement na nakasaad sa Department of Environment and Natural Resources’ (DENR) Administrative Order 2016-08 at para sa renewal ng discharge permit nito.
Ang paunang hakban para sa delusdging ng umiiral na Anaerobic and Facultative Ponds ay bilang tugon din sa demands ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Region 3 upang makapag-renew ng discharge permit ng CWC.
Sa nakaraang pagpupulong kasama sina CDC Chairman Edgardo Pamintuan at CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan, nabanggit ni EMB Region 3 Director William Trajeco ang kanilang tanggapan ay hinihiling na makita ang incentive ground works upang ma-mobilize ang compliance sa CWC.
Gayunpaman, no-show si RD Trajeco sa naturang event.
Binigyang diin ni Gaerlan ang kahalagahan ng nasabing event bilang hudyat ng isang makabuluhang aksyon sa bahagiCWC at ng state-owned firm upang matugunana ang lahat ng tagubulin ng EMB R3.
Sinimulan ang desludging activity dahil sa ultimatum na ibinigay ng EMB R3 na naghuhudyat ng isang cease-and desist order (CTO) na inilabas ng kanilang tanggapan kung ang CWC ay hindi nagsisimula sa mga paunang hakbang.
Upang ituloy ang suporta at tulong na mapabilis ang pagsunod sa CWC sa mga requirement ng DENR-EMB, iprinisinta ng CDC ang isang mabisang teknolohiya na tutugon sa standards na itinakda ng DAO 2016-08.
Itong teknolohiya ay isang hybrid wastewater treatment system na nagsasama sa microbe (bio) remendiation at red bed technology.
Ang sistema ay dinisenyo upang maging environment friendly, na hindi kamahalan, at sertipikado ng Department of Science and Technology (DOST) bilang isang green technology.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI